BACOLOD CITY - Tadtad ng saksak ng patalim ang isang 19-anyos na babae nang matagpuan ang bangkay nito sa sagingan sa Sagay City, Negros Occidental matapos umanong patayin ng kanyang live-in partner dahil sa selos nitong Biyernes, ayon sa pulisya.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marijo Aldolfo, taga-Barangay Old Sagay ng naturang lungsod.
Mismong ang ina ni Adolfo ang nakadiskubre sa kanyang bangkay sa isang sagingan na ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay, ayon sa pulisya.
Kaagad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang siKent Joseph Katalbas, 21 ka-live-in ng biktima, matapos na iturong suspek sa krimen.
Sa paunang imbestigasyon, binanggit ni Sagay City Police chief, Lt. Abundio Diaz, narekober nila sa tabi ng bangkay ang isang kitchen knife.
Sa presinto, nakita ng mga pulis ang sugat ni Katalbas sa kanyang mga kamay at binti na palatandaan na lumaban umano ang biktima.
Hindi na nagbigay pa ng iba pang impormasyon si Diaz kaugnay ng motibo sa krimen dahil tumatanggi pa ring magsalita ng suspek na nahaharap sa kasong murder.
Glazyl Masculino