Inaasahan ng mga awtoridad na madadagdagan pa ang 92 na nasunog nang buhay matapos sumabog ang isang fuel tank truck kasunod ng naganap na vehicular accident sa Sierra Leone nitong Biyernes.

Nag-ugat ang insidente nang sumalpok ang isang bus sa nasabing tanker sa residential area ng PMB Wellington Industrial Complex sa Freetown.

Pagkatapos ng pagsalpokng bus, kaagad na dinumog ng mga residente ang lugar upang kumuha ng tumatagas na gasolina, gayunman, bigla na lamang sumabog ang truck.

Naiulat na aabot sa 92 na nasunog nang buhay ang dinala sa ospital. Mahigit din sa 100 ang isinugod din sa Connaught Hospital dahil sa matinding lapnos sa kanilang katawan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Ikinalat namang ibinahagi ni Sierra Leone President Julius Maada Bio sa social media ang mga litrato ng insidente kung saan nakikitaang mga residente na nakapaligid sa nasusunog na fuel tanker.

“We have so many casualties, burnt bodies,” pagkumpirma naman ni Brima Bure Sesai, hepe ng National Disaster Management Agency.

Agence-France-Presse