Dumating na sa bansa ang apat na bagong X-ray machines mula sa China upang mapalakas pa ang kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling.

Ang mga ito ay ipinadala sa X-ray Inspection Project (XIP) examination area sa Asian Terminals, Inc. (ATI) compound sa Port Area sa Maynila kung saan sinalubong ng mga opisyal ng ahensya.

Paliwanag ng BOC, may kakayahan ang mga ito na sumuri ng 120 container van kada oras at mas malinaw din ang nakikitang larawan ng mga kargamento kaya madaling matukoy ang mga puslit na kalakal.

Gagamitin ang apat na X-ray machines saManila International Container Port, Port of Cebu, Port of Subic, at Port of Cagayan de Oro. Sa kasalukuyan, umabot na sa 124 angX-ray machines ngBOC.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'