Habang nakatakda pa lang ang coronation night ng Miss Globe madaling araw ng Sabado, Nob. 6, frontrunner na sa pre-pageant activities ang kandidata ng Pilipinas na si Maureen Ann Montagne.

Sa obserbasyon ng fans, “nanlalamon” din si Maureen sa mga nagdaang activities kung saan nasukat ang parehong talino at alindog ng Philippine candidate sa prestihiyusong international beauty pageant.

Sa naganap na Talent Night, ang ukulele performance ni Maureen ay umabot sa semifinals.

Sa Head to Head challenge kung saan sinusukat ang speaking abilities ng mga kandidata, nag-landing si Mureen sa second top spot.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nasungkit din ni Maureen ang second spot sa swimsuit preliminary round kung saan nakakuha siya ng 29/30 puntos sa mga hurado.

Samantala,nangunguna sa online votes ang delegada ng bansa na kasalukuyang may 17 percent registered votes sa official website ng Miss Globe.

Ang Miss Globe 2021 coronation night ay mapapanuod sa Youtube channel ng Miss Globe, alas-2 ng madaling araw ng Sabado sa Pilipinas, Nobyembre 6.