Matapos ilabas ang official music video ng kantang ‘Bazinga’ ng Pinoy pop (P-pop) band na SB19, noong Oktubre 29, hot topic na agad ito online.

Sa katunayan mula top 20 noong mga nakaraang araw, umusad hanggang top 15 ang kanta at nito ngang Biyernes, Nob. 5, namayagpag ang kanta bilang ikatlo sa hot trending song chart ng Billboard.

Sa isang Twitter post, nagpahayag ng reaksyon ang SB19 main vocals na si Stell.

“Gandang bungad naman ito sa paggising ko!! T.T Grabe talaga kayo!” pagtutukoy niya sa solid na suporta ng A’tin, tawag sa fan base ng banda.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kabilang sa mga Billboard Trending Songs ang kantang “Butter” ng South Korean band na BTS at “Favorite” ng isa ring all-male group NCT 127.

Official MV ng 'Bazinga' via SB19 Youtube channel

Samantala, kasalukuyang number four trending for music naman ang official MV ng Bazinga sa Youtube. Mayroon na itong halos 1.3M views sap ag-uulat.