Pinasalamatan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo ang pagdalaw sa kaniya ng panganay na anak ni Queen of All Media Kris Aquino.

Binisita kasi siya nito nang magtungo siya sa Tarlac. Sa Tarlac na nakatira si Josh, ayon na rin kay Kris, na engaged na sa kaniyang fiance na si Mel Sarmiento. Si Kuya Josh ay anak nina Kris Aquino at Philip Salvador.

"Had a really productive day in Tarlac today. Will post about it later. But let me just thank Josh for surprising me with a welcome balloon when I arrived at the DIWA Center for an event. He is a Tarlac resident already,” saad ni VP Leni kasama ang mga litrato nila ni Josh. Makikitang nakasuot ng pink shirt at pink face mask si Josh habang nag-aabot ng mga pink balloons kay VP Leni.

"PNoy may be gone now, but Josh being there really meant a lot," dagdag pa ni Leni.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaang nagpahayag ng pagsuporta si Kris Aquino sa kandidatura ni VP Leni.