Mapapawow ka na lang talaga nang rumampa sa Arab Fashion Week ang singer at actor na si Markki Stroem na ginanap sa Dubai. 

Sa kanyang finale walk, fierce kung fierce kung paano rumampa si Markki sa clothing design ng designer na si RC Caylan. 

Sa kanyang pagbabahagi ng video sa kanyang Instagram nang rumampa siya. Sabi niya, "Everyone has their right to wear Whatever they want to feel THEIR FABULOUS OATS."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Habang rumarampa si Markki of course makikita pa rin ang kanyang well-toned body dahil naka-underwear ito na nakasuot ng tila isang robe na may hood suot na pawang gawa ng designer na pagkaganda ganda ng pagkakagawa. Habang naglalakad na suot ang Platform heels. Infairness, keri niya ang mataas na platform heels, huh.

Sey niya, "I am not SCARED to wear something different to MAKE A DIFFERENCE. Being able to pick up the courage to wear Platform HEELS AND UNDERWEAR on an international runway, I hope I was able to inspire others to LIVE THEIR AUTHENTIC TRUTH."

Puro pagbati ng congratulations ang naging komento ng kanyang mga showbiz friends at ng mga netizens sa kanyang video ng pagrampa.

Binigay man ni Markki ang husay sa pagrampa lingid sa kaalaman ng iba mabigat ang kalooban nito dahil may pinagdadaanan ito, sumakabilang buhay kasi ang kanyang mahal na lola. Kaya memorable kay Markki ang event na kanyang dinaluhan. Ika nga nila "whatever happpened the show must go on."

After ng fashion show nilibang niya ang sarili sa pamamagitan ng pagbiyahe sa yate para makita ang ganda ng lugar sa Dubai habang nasa sasakyang pandagat.

Ibinahagi niya rin ito sa kanya Instagram habang dinadivert ang kanyang pinagdadaanan. 

Ani Markki, "Goin on a little trip on a yacht today! Living the life in Dubai overlooking the Burj Khalifa,"

 "Its been a rollercoaster of emotions, from the untimely passing of my grandmother to walking Arab Fashion week. This trip has been quite memorable," dagdag pa niya

"Wonderful meeting so many amazing people from different walks of life, different countries and cultures. Joining forces to create something fashionably fabulous. @arabfashionweek," paglalahad ng aktor.

"I will remember my time in Dubai fondly! Sometimes, stress happens in life, if it is out of your control, call them out and move on. Don’t let anything ruin your day. Find a solution, hold your head up high and get back to your positive outlook,"

Sa mga nagkakaroon ng anxiety attack nagbigay naman ng saloobin si Markki. Sa panahon nga naman ngayon marami ang nakakaranas nito.

"For someone with serious ANXIETY, panic attacks happen sometimes. Breathe out your stresses, and breathe in LOVE."