Isa pang pak na pak nang muling rumampa ang Binibining Pilipinas World 2007 na si Margaret Nales Wilson o mas kilala sa pangalang Maggie Wilson sa "Arab Fashion Week" sa Dubai.

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Bukod sa pagiging busy bilang Creative Consultant ng first ever Miss Universe United Arab Emirates 2021 heto't runway ang isa pang pinagkakaabalahan muli ng former beauty queen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan mula sa Instagram ni Maggie Wilson

Isa siya sa mga ramp models na rumampa at sumuporta sa creations ng Pinoy celebrity fashion designer na si Michael Leyva. Ibinahagi ito ni Maggie sa kanyang Instagram na aniya, "Back on the runway after years."

Malaking tulong ito kay Maggie after sa naunsyaming marriage sa dati niyang businessman husband na si Victor Consunji. Bagamat hiwalay na ang ex-couple sinisigurado raw nilang ibubuhos ang pagmamahal sa nag-iisa nilang anak na si Connor Consunji.

Well, congrats Ms. Maggie! Welcome back again sa runway.