Bagama't kinakantyawan ng mga netizens ang tinagurian nilang 'Queens of Maritess' na sina Manay Lolit Solis at Cristy Fermin na naunahan umano sila nina McCoy De Leon at Elisse Joson sa kanilang paglalantad na may baby na sila, papuri naman ang ibinigay ni Cristy Fermin sa dalawa, sa latest episode ng kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute' na may sariling YouTube channel.

"Ganun sila kagaling humawak ng relasyon. There was a time na naghiwalay rin sila. Nagkaroon din ng problema itong mag-partner na ito pero wala tayong alam. Hindi nila ibinahagi sa publiko, niresolbahan nila ang problema na silang dalawa lang,” aniya.

“Tingnan mo, ang ganda-ganda ng kanilang pasabog na ito. Meron na silang baby girl at ito ay sila mismo ang nagbunyag nito dahil kinukuha nilang maging ninong ng kanilang anak si Direk Lauren Dyogi, 'di ba? Sa ‘PBB.'” dagdag pa ni Cristy, bagama't ang direktang pinakikiusapan nilang maging ninong ng kanilang anak na si Baby Felize ay ang mismong Big Brother na naririnig ng lahat. Paulit-ulit nang pinabulaanan ni Direk Lauren na siya ang bumoboses kay Big Brother sa sampung seasons nito.

Pinuri ni Cristy ang pagiging mabait na bata ni McCoy, at ang pagpapahalaga ni Elisse sa ilang mga pribadong detalye sa buhay niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Nakakatuwa, ano? Si McCoy, ang bait ng batang ito. Walang ka-ere-ere, walang kahit anong angas. Lahat ng mga nakakasama niya sa taping at shooting, pinupuri siya. At si Elisse din naman ay isang babaeng mapagpahalaga sa kanilang kapribaduhan, di ba?”

Noong Oktubre 31, inamin mismo ng McLisse sa 1st nomination night episode ng Pinoy Big Brother o PBB: Kumunity Season 10 Celebrity Edition, na may baby na sila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/01/mccoy-de-leon-at-elisse-joson-may-baby-na/

Samantala, si Manay Lolit Solis naman, nagbigay ng reaksyon sa talak ng mga netizens na tila 'natulog umano siya sa pansitan' at hindi niya natunugan ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/02/lolit-sa-pasabog-ng-mclisse-pag-ibinalita-mo-sasabihin-pakialamera-at-tsismosa-ka-pag-hindi-mo-sinulat-mahina-kang-klase-ng-reporter/

"Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah?" ayon sa caption ng kaniyang Instagram account.

"Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila."

Sa huli, binati rin ni Lolit ang dalawa dahil sa matapang nilang paglantad sa biyayang ito at bagong kabanata sa kanilang buhay mag-jowa.