Kinabukasang walang kasiguruhan, pandemyang tila walang katapusan, ganito ngayon ang araw-araw nating nararanasan. Marami sa atin, nawalan pa ng trabaho, kaya hindi alam kung paano kukuha ng ipakakain sa ating mga pamilya. Lalong pinahirap ng Covid-19 ang ating buhay, pero hindi natinag ang lakas at tibay ng loob ng mga Pilipino, at higit sa lahat, lalo pa nitong binuhay ang bayanihan. Isang taon ang nalipas ngunit di tuminag ang pagtutulong sa kapwa nang umusbong ang iba’t ibang community pantries sa bansa.

Cobra Mentality ang tawag diyan! Bawat Pilipino, patuloy na inaangat ang sarili at ang lakas para makapagbigay serbisyo sa kapwa sa gitna ng kinakaharap natin ngayong mabigat na pagsubok. Ito ang layunin ng Bangon Campaign ng nangungunang local energy drink brand na Cobra.

Kabilang sa mga kababayan nating may Cobra Mentality ang security guard na si Renz Abelita. Edukasyon sa sarili niyang simpleng paraan ang ambag ni Renz sa lipunan. Nag-viral sa internet si "Sir Sekyu" matapos siyang ma-videohan habang nagtuturo sa mga batang lansangan sa labas ng binabantayan niyang sanglaan sa Maynila.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Renz Abelita

“Naisipan ko lang po turuan 'yong mga bata na malapit dito sa akin, para kahit papaano, matutunan nilang magsulat ng mga letrang A-Z, ng kanilang mga pangalan, at pati na rin ang tamang pagbibilang,” sabi ni Renz.

Bago maging security guard, pangarap daw pala ni Renz na maging isang guro, pero dahil sa hirap ng buhay, naiba ang landas na kanyang tinahak.

“Tanging ang pagtulong sa pamilya at sa mga batang tinuturuan ko ang aking motibasyon para po maging positibo sa buhay. Ang pagtulong na lang sa kapwa ang magagawa ko sa ngayon, lalo na sa mga bata, dahil hirap din silang makapag-aral sa panahong ito."

Ibahin naman natin ang isa pang Pilipinong may Cobra Mentality—ang photographer na si Mau Aguasin. Matapos niyang makita ang hirap na dinaranas ng marami sa lansangan noong isinailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ), binuo ni Mau ang Project Food Trunk LP sa Las Piñas City.

Mau Aguasin

“Noong lumabas ako nitong April, nakita ko ‘yung mga palaboy sa lansangan, walang makain. Ikinuwento ko ‘yun sa roommate ko na isang magaling na cook, at doon na namin naisip na ipagluto ang mga nangangailangan ng masusustansyang pagkain,” kuwento ni Mau. Dagdag pa niya, “kung masisiguro namin na mayroon silang makakain sa araw-araw, mas kakayanin nilang harapin ang pandemic na ’to.”

Bilang isang photographer, labis ring naapektuhan ang kabuhayan ni Mau, pero hindi siya nagdalawang-isip na tumulong pa rin sa mga mas nangangailangan. Nais niya ring bigyang pugay ang kanilang mga donors, na walang sawang bayanihan spirit ng mga sumusuporta para magpatuloy ang Project Food Trunk LP.

“Simula Day 1, nakakapag-operate kami dahil sa mga donation at sponsorships mula sa aming community. ‘Yung kagustuhan ng mga tao na tumulong kaya ito naging posible."

Pangarap nina Mau na maging inspirasyon sila sa iba, at makatulong sa mas marami pang nangangailangan sa iba’t ibang sulok ng bansa. Target din nilang mahatiran ng grocery bags ang mga bagong nanay, mga nawalan ng trabaho, at iba pang mga PWD ngayong mayroon pa ring pandemya.

Ehemplo ng pagbangon

Sina Mau at Renz ang matuturing na pinaka-ehemplo ng Cobra Bangon Campaign—kampanyang nagpapaalala sa bawat manggagawang Pilipino na manatiling masipag, matibay, at malakas para malampasan ang anumang mabigat na pagsubok sa buhay. Sila ay maituturing may Cobra Mentality, kung saan hindi naging hadlang ang antas ng buhay para makatulong.