Sinupalpal ni BB Gandanghari, dating si Rustom Padilla, ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa pahayag nitong dapat ay pinapayuhan niya ang sarili mismo na itago ang 'dirty linen' ng mga pansariling isyu sa social media, kaugnay ng naging 'unsolicited advice' niya sa pamangkin na si Kylie Padilla, sa isyu ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/24/bb-gandanghari-kina-kylie-at-aljur-try-to-keep-your-dirty-linens-in-the-washroom/

Si Kylie ay anak ng nakababatang kapatid ni BB na si Robin Padilla.

“Siya talaga nagsabi noon? Dapat inadvise niya rin iyon sa sarili niya, 'di ba? Paano ka naman pakikinggan? Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kaniyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen?" wika ni Ogie sa kaniyang showbiz vlog nitong Oktubre 27.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

“Sino ka, BB, para magsabi nang ganyan, kung ikaw nambubuko?”

Ang tinutukoy rito ay ang naging 'pambubuko' ni BB sa isa sa mga vlogs niya, hinggil sa kaniyang nakarelasyon sa showbiz na pinangalanan niyang 'Piolo'. Bagama't hindi naman malinaw, iisa lang naman ang may pangalang Piolo sa showbiz at ito ay si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, na matagal nang iniisyu ang tunay na gender identity. Nangyari umano ang ugnayan nila noong Rustom Padilla pa siya.

"Ikaw, Ogie Alcasid, ha, wag mo akong pinipikon!" birong hirit ni BB sa kaniyang vlog, na obviously, hindi naman ang mister ni Regine Velasquez ang pinariringgan.

Ngunit nitong Miyerkules, Nobyembre 3, hindi na nakapagpigil pa si BB at talagang sinupalpal na sa kaniyang Instagram Live ang showbiz columnist. Aniya, puro paninira lamang umano sa imahe ng isang artista ang kayang gawin ni Ogie. Dismayado siya na kumpare pa ng kaniyang kapatid na si Robin ang naturang showbiz columnist.

Katwiran ni BB, may 'K' naman siyang magbigay ng payo sa kaniyang pamangkin, lalo't nasangkot din siya sa dalawang hiwalayan noon. Ang isa ay sa kaniyang pinakasalang si Carmina Villaroel noong si Rustom pa siya, at ang ikalawa nga ay ang sikat na actor umano na pinangalan niyang 'Piolo'.

Bagama't nauwi umano sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Carmina, masasabi niyang mataas pa rin ang paggalang nila sa isa't isa. Hindi umano sila nagsiraan.

"Hindi man kami magkaibigan ni Carmina, pero alam ko ang respeto namin sa isa't isa ay naroon sa pinakamataas na level, at sinubukan na ng panahon. Sa dami ng pinagdaanan namin, wala ni isa sa amin ang nag-grandstand.”

Para kay BB, wala umanong kredibilidad si Ogie.

"Honestly, you have no credibility to me, zero. Zero credibility. And, in fact, yung reaction mo na, ‘Ah, talaga? Talagang si BB nagbigay ng payo?’ Actually, kuha ko iyon, eh. Ganoon din kasi reaction ko kapag pinag-eendorse mo ng beauty product si Vice Ganda. Na talagang, ‘Ah, talaga? Si Vice nag-eendorse? Ganoon din talaga ang dating sa akin noon. So, I understand yung joke. Pero… I think you’re barking at the wrong tree.”

Si Vice Ganda ay dating talent ni Ogie.

Sey pa ni ni BB, "I really have to react kasi talaga sisirain mo ang credibility ko diyan!? Excuse me sa iyo…"

Iginiit din niya ang sumbat sa kanya ni Ogie na pinangalanan niya ang isang sikat na aktor at pinagkakitaan umano sa kanyang shows na “BB Uncut.”

Katuwiran ni BB, wala siyang sinabing masama tungkol sa nakarelasyon umanong aktor.

Hindi rin daw masama ang ipinayo niya kina Kylie at Aljur, na mabuti na lang daw ay nakinig na huwag magsiraan in public.

Pagpapatuloy pa niya, "Kung ikaw, bilang kumpadre sana ni Robin, dapat sana, kung ikaw ay level-headed person, you should've… sabihin mo, ‘Tama this time ang auntie niyo, makinig kayo.’ Pero hindi. Gusto mo kasi ng balita. Ayan ka na naman. Wala ka nang sinanto. Kaloka ‘to.

“Makinig ka. You'll get it from me. Clearly, you don’t know what you’re talking about. Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo iyan, 'no. Ganyan ka na ka-negative. You think yung pinagdadaanan ng pamangkin ko, e, gagawin kong biro? Excuse me."

Samantala, wala pa namang kontra-birada ang showbiz columnist sa mga pahayag ni BB. Sa mga Maritess, abangan ang susunod na mga kabanata. Sa ngayon kasi ay tahimik na ang kampo nina Aljur at Kylie na siyang pinag-ugatan ng kanilang parunggitan ngayon.