Natanong si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista kung ano ang reaksyon niya sa engagement ng dating na-link sa kaniya na si Queen of All Media Kris Aquino at dating Department of Interior and Local Government o DILG na si Mel Sarmiento.

Sa isang video clip na kuha mula sa media press conference, sinabi ni Bistek na masaya siya para kay Kris.

"Hindi… 'di ba… sabi ko naman masaya ako para sa kaniya… yung peace and quiet ang hinahanap niya eh, so… masaya naman," nakangiting pahayag ni Bistek.

Buking ni Herbert, hindi niya talaga alam na ikakasal na pala si Kris kay Mel. Nabasa niya lamang ito sa mga biglaang pop-up sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Pero happy ako sa kaniya… happy ako para sa kaniya…" saad pa ni Herbert. Nang tanungin naman siya kung sino ang nagpapa-happy sa kaniya sa kasalukuyan, wala naman siyang tuwirang sinabing tao.

Pitong taon na ang espesyal na pagkakaibigan nina Kristeta at Bistek subalit walang umaamin sa kanila kung saan na ba papunta ang espesyal na pagkakaibigang iyon.

Tatakbong senador si Herbert sa darating na halalan 2022.