Ikinasal na ang Hashtags member na si Nikko Natividad sa kaniyang partner na si Cielo Eusebio nitong Linggo, Nobyembre 3, sa Nasugbu, Batangas.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Lumulutang ako sa saya. Masaya ako at ikaw ang napangasawa," caption ni Nikko sa kaniyang Instagram post, na litrato nilang mag-asawa.

Nikko Nativida at Cielo Eusebio (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dumalo sa kasal ang mga kapwa Hashtags members na sina Zeus Collins, Ronnie Alonte, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Kid Yambao at McCoy de Leon na kamakailan lamang ay umamin na isang tatay na, sa anak nila ng girlfriend na si Elisse Joson.

Naroon din sina Barbie Imperial, Loisa Andalio at Vance Larena.

"Gusto ko magpasalamat dahil natupad ang aming dream wedding. At hinigitan N'yo pa yung expectations namin ni wifey. Thank you Lord," saad ni Nikko sa isa pang IG post.

Nikko Nativida at Cielo Eusebio (Larawan mula sa IG)

Inanunsyo nina Nikko at Cielo ang kanilang engagement sa kanilang vlog noong Agosto.

Kinaaliwan din ang stag party ng Hashtags para kay Nikko na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram. Sa halip na tunay na babae, si Zeus Collins ang nag-alay ng sexy dance para sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/21/stag-party-ni-nikko-natividad-naging-masayang-reunion-ng-hashtags/">https://balita.net.ph/2021/10/21/stag-party-ni-nikko-natividad-naging-masayang-reunion-ng-hashtags/

"Ito ang resulta kapag tinipid ka ng mga kaibigan mo sa STAG PARTY," ani Nikko sa caption niya.

Congratulations, Mr and Mrs. Natividad!