Napatay ang isang 72-anyos na babae matapos pagtatagain ng kapatid na babaeng umano'y may diperensya sa pag-iisip sa Kabankalan City, Negros Occidental, nitong Martes.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Elisa Tabujara, taga-Sitio Cadiacap A, Barangay Tapi ng nasabi ring bayan.

Isinugod naman sa ospital si Herman Nabaja, 55, dahil sa sugat sa ulo at kaliwang braso, matapos madamay sa insidente.

Sa panayam, sinabi ni Kabankalan deputy police chief, Lt. Dennis Melgarejo, naghahanda na ng maaalmusal ang biktima sa kanilang bahay nang dumating ang 58-anyos na suspek na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan at kapitbahay lamang nito.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Bigla na lamang umanong pinagtataga ng suspek si Tabujara.

Nakasigaw pa ng biktima kaya agad na dumating ang kasama nito sa bahay na si Nabaja na pinagtataga rin nito.

Sinabi ni Melgarejo, dalawang araw nang hindi nakatutulog ang suspek at hindi rin nakakainom ng gamot

Limang taon na aniyang dumaranas ng problema sa pag-iisip ang suspek, gayunman, ito pa lamang umano ang unang pagkakataon na naging marahas ito.

Nasa kustodiya na ng kanyang anak ang suspek.

Paglilinaw pa ni Melgarejo, hindi nila maaaring kasuhan ang suspek dahil sa kanyang problema sa pag-iisip.

Glazyl Masculino