Matapos ang anunsyo na baka mag-social media detox muna siya at sa susunod na taon na babalik, gayundin ang pagbura sa lahat ng kaniyang Instagram posts, balik-social media na ulit si AJ Raval matapos niyang ibahagi ang kaniyang bagong look sa bagong proyekto nila ni Sean De Guzman na 'Hugas'.

Batay sa kaniyang Instagram post, ang magiging direktor nito ay si Ramon Perez, Jr. na siya ring direktor ng pelikulang 'Taya' nila ni Sean.

"New look for the new project!! #ActionMovie #DirectedbyRomanPerezjr", ayon sa caption ng kaniyang IG post.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/AJ Raval

Ang mga kasamahan sa showbiz na nag-welcome back sa kaniya sa IG ay sina Rico Robles, Bubbles Paraiso, at Maui Taylor.

Noong Oktubre 21, inilabas niya ang pahayag na mag-social media detox muna siya at baka sa susunod na taon na makabalik, sa pamamagitan ng isang TikTok video na tumagal ng halos 3 minuto. Humingi rin siya ng dispensa kay Kylie Padilla at sa lahat ng mga taong naapektuhan sa pagshe-share niya ng 'pasabog Facebook post' ni Aljur Abrenica laban kay Kylie. Burado na ngayon ang naturang Facebook post.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/21/aj-magsasagawa-ng-social-media-detox-baka-bumalik-sa-susunod-na-taon/

"Sana matapos na ito kasi bugbog na talaga ang mental health ko. Hindi ko na kaya, so magso-social media detox muna ako, siguro next year na ako babalik sa social media," aniya.

Hindi naman tuluyang nag-social media detox ang aktres dahil binura man niya ang Instagram posts niya, patuloy pa rin siya pag-upload ng kaniyang vlogs.