Pabirong 'sinoplak' ng Kapamilya actress na si Michelle Vito ang mga kumakalat na chismis sa social media na magkaka-anak na sila ng boyfriend na si Enzo Pineda.

Lumabas ang chismis na ito matapos isa-isahin ng mga Maritess ang tila 'trend' umanong pagbubuntis ng mga magkaka-batch sa showbiz gaya nina Sofia Andres, Janella Salvador, at nitong huli nga ay si Elisse Joson, na umaming may baby na sila ni McCoy De Leon, sa reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, noong Oktubre 30.

Kaya naman pabirong tweet niya nitong Nobyembre 1 ng hapon, "Happy Monday mga Maritess… gusto ko lang naman kumain… busog lang po ako (See-no-evil monkey)."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Twitter/Michelle Vito

Payo niya sa mga Maritess, "So stop lunch na po kayo hays."