Matapos ang pag-amin ng celebrity couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson na may anak na sila noong Sabado, Oktubre 30, sa 1st nomination night episode ng 'PBB: Kumunity Season 10', at pormal na pagpapakilala ni Elisse sa kanilang anak na si 'Felize' sa kaniyang Instagram, isa sa mga bumati sa kaniya ay ang kagaya niyang young mom na si Janella Salvador.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/01/mccoy-de-leon-at-elisse-joson-may-baby-na/

"Congratulations, Elisse. Welcome to motherhood!" komento ni Janella sa comment section ng Instagram post ni Elisse kung saan ipinasilip niya ang ilan sa mga litrato ng kanilang anak ni McCoy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/Elisse Joson

Isa-isa na ring bumati ang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz gaya nina Maymay Entrata, DJ Chacha, Jane De Leon, Luke Conde, Marlo Mortel, Jolina Magdangal, at marami pang iba. Si Mariel Padilla naman na misis ni senatorial candidate Robin Padilla, handang ibigay kay Elisse ang mga baby stuff niya, na ginamit ng kaniyang anak.

"Babae!!!!!!! Marami akong baby stufffffffffffffff padala ko sayoooo hehehehehehee I'm sure kasingganda mooooo…"

Samantala, nitong Oktubre ay ipinagdiwang nina Janella at boyfriend na si Markus Paterson ang 1st birthday ng kanilang anak na si Jude na ang tema ay 'The Boss Baby'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/25/janella-salvador-at-markus-paterson-ibinida-ang-1st-b-day-celebration-ng-kanilang-boss-baby/