Nagpahayag ng saloobin ang supporters ng K-pop group Blackpink member Jennie Kim matapos ayain ng dinner date ng social media personality na si Christian Albert "Xian" Gaza.

Trending sa Twitter ang "#LeaveJennieAlone" na kung saan puno ng saloobin ang "Blinks" ang laman ng tweets sa ginawa ni Xian.

Tinawag ng ilang netizens na "creepy" ang pa-billboard ni Xian.

Nakalagay sa billboard ang mga katagang “Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. Can I take you out to dinner and make me the happiest man alive?”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pinalagay ni Xian ang billboard, ilang kilometro lamang ang layo sa YG Entertainment na siya namang ahesya ng K-pop idol.

Ayon naman kay Xian, umabot sa P1.5 milyon ang kanyang ginastos sa pagpapa-billboard at may permit sa gobyerno ng South Korea, kaya naman naniniwala siya na wala siyang nilabag na batas.

Dagdag pa ni Xian sa kanyang post, "I don't know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, few kilometers away from BLACKPINK's YG headquarters. I hope she will say YES. #JennieChristianDinnerDate."

Samantala, ayon sa ilang report, namataan si Jennie Kim sa Los Angeles.

Sinagot naman ni Gaza ang mga reaksyon sa kanya na "mukha lamang siyang tanga" dahil sa ginawa niyang pa-billboard sa South Korea kung nasa LA naman si Jennie Kim.

Sa kanyang hiwalay na post, sinabi nito na nararamdaman niya ang perspektibo ng ilang nagsabi lalo na kung nanggaling iyon sa mga taong "hampaslupa" na ang afford lamang ay pedicab, tricycle, jeep, bus, at taxi. Ngunit sa tulad niya ay ilang oras lamang ang biyahe sa iba't-ibang bansa.

Ani'ya, "Kung isa kang hampaslupa na pedicab, tricycle, jeep, bus, taxi, Angkas at Grab lamang ang afford, hindi mo alam yung feeling na ang magkabilang dulo ng mundo ay isa't kalahating araw lang pala talaga ang layo. Hindi mo dama yung realidad that each and every country is just less than 24 hours away from each other."

"I don't care kung nasa LA, London, Dubai, Hong Kong, Tokyo o kung nasaang lupalop man ng mundo si Jennie. What I care about if she and her management will say YES or NO to my dinner date proposal dahil bilang isang milyonaryo… kahit sa loob ng eroplano ay maaari kaming mag-hapunan," dagdag pa ni Gaza.