Opisyal nang pasok sa Miss World 2021 competition ang delegada ng Pilipinas na si Tracy Perez.

Sa official website ng Miss World, nakapaskil na ang official photos ni Tracy, senyales ng pagiging opisyal na kandidata ng Pilipinas sa prestihiyusong kompetisyon.

Natakdang ganapin ang 70th edition ng Miss World pageant sa Disyembre 14 sa Jose Miguel Coliseum sa San Juan, Puerto Rico.

Kokoranahan ni Toni-Ann Singh ng bansang Jamaica ang kanyang successor.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Ang Miss World pageant ay isa sa itinuturing na Big Four international pageants kahanay ng Miss Universe, Miss International, at Miss Earth.

Noong 2013, si Megan Young ang kauna-unahang Pilipinang nakasungkit sa mailap na korona.

Muli kayang maibabalik ni Tracy ang korona sa bansa?