Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng bagong 3,117 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Lunes, Nobyembre 1.

Sinabi ng DOH, aabot na sa 2,790,375 ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa, kabilang ang 43,185 na active cases.

Sa nabanggit na aktibong kaso, 72.6 porsyento ang nakararanas pa rin ng mild symptoms, 12.23 porsyentoang nasa moderate conditions, 7.2 porsyento ang may severe symptoms, 4.9 porsyento ang asymptomatic at tatlong porsyento ang nasa malubhang kalagayan.

Tumaas na naman sa 43,276 ang bilang ng mga namatay, kabilang ang naitalang 104 nitong Lunes.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Idinagdag pa ng DOH na lumobo pa sa 2,703,914 ang nakarekober sa sakit.

Gabriela Baron at Mary Ann Santiago