Pinangalanang pinakabagong direktor ng Civil Security Group (CSG) si Police Brig. Gen. Valeriano de Leon sa naganap na minor reshuffle kasunod ng pagreretiro ng isa sa mga senior officers ng Philippine National Police (PNP).
Pinalitan ni De Leon si Police Maj. Gen. Ferdinand Daway na nagtapos ang serbisyo nitong Lunes, Nobyembre 1, matapos maabot ang mandatory retirement age na 56 taong-gulang.

Miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1989, nagsilbi ring direktor ng Police Regional Office 7 si De Leon.
Hindi na bago ang tungkulin kay De Leon dahil naglingkod na ito bilang head ng Firearms and Explosives Office sa ilalim ng CSG.
Si Police Brig. Gen. Mathew Baccay naman ang sumalo sa posisyong nabakante ni De Leon.
Napalitan naman ni Police Brig. Gen. Orlando Yebra si Baccay bilang head ng Eastern Police District.
Ang turnover of command ng PRO3 at ng CSG ay ginanap nitong Lunes at parehong pinangunahan ni PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.
Aaron Recuenco