Bumulagta ang isang kumander ng Communist Party of the Philippines at isa pang tauhan nito nang makasagupa nila ang mga sundalo sa Impasugong, Bukidnon nitong Sabado.
Kinilala ang napatay na si George "Ka Oris" Madlos, isa sa pinakamataas na pinuno ng CPP. Inaalam pa rin ng militar ang pagkakakilanlan ng napatay na tauhan ni Madlos.
Sa ulat ng Philippine Army, napatay ang dalawang nang makipagbarilan ang mga ito sa grupo ng mga sundalo saSitio Gabunan, Barangay Dumalaguing.
Tumagal ng 30 minuto ang engkuwentro na ikinamatay ni Madlos at ng tauhan nito.
Sa rekord ng militar, si Madlos ay most wanted na kumander ng New People's Army sa bansa dahil sa kinakaharap na patung-patong na kasong kriminal.