LA TRINIDAD, Benguet – Tuwing unang araw ng Nobyembre ay naging kaugalian na ng maraming Pilipino ang nagtutungo sa sementeryo para gunitain ang All Saints at All Souls Day, kasama ang panalangin at bonding na din sa puntod ng yumaong mahal sa buhay.

Sa lalawigan ng Benguet, na kinabibilangan ng Ibaloi, Kankanaey at Kalanguya tribe ay may pagdiriwang din na kakaiba, karamihan sa kanila ay inililibing ang yumaong mahal sa buhay sa kanilang bakuran at makapiling kahit na ito ay patay na, isang tradisyon at kaugalian sa lalawigan at sa iba pang probinsya sa rehiyon ng Cordillera.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Ang tradisyong ito ay minana pa sa kanununuan at itinuro ng mga elders ang mabuting paraan kung paano maging kasama ang isang namatay. Ang kanilang espiritu ang nagsisilbing na tagabantay sa loob ng bahay,kaya para sa amin napakahalaga ang kaugaliang ito, na hanggang ngayon ay ginagawa pa,” pahayag ni Rose ’Betbet’ Fongwan-Kepes, panganay na anak ni dating Congressman Nestor Fongwan, Sr., na nagsilbing public servant sa Benguet sa loob ng 31 taon.

“Like my Papa, he told us before he died to bury him in our family house, because we have a big backyard. Depende kasi, kung wala namang malaking backyard ang isang namatay ay dadalhin ito sa sementeryo. Minsan naman kahit may malaking backyard, pero gusto sa cemetery, depende kasi sa hiling ng yumao kung saan niya gustong mailibing.”

Ayon kay Betbet, ang Ibaloi at maging ibang tribo sa rehiyon, ay inaaalay ang sarili sa yumaong kapamilya, lalo na kapag ang isang namatay ay kilalang lider ng tribo sa komunidad.

“Kapag namatay ay isang elder, asahan na ang strict observance of the culture. May mga rituals na gaya ng canao habang nakaburol, pagkatay ng baboy araw-araw. Ang coffin ay gawa sa carved pine tree trunk na hindi ginagamitan ng pako at walang salamin. Bawal din ang anumang metal o’ alahas na nakakaapekto sa namatay. At sa huling gabi ng lamay ay isang kabayo ang kinakatay bago ito ilibing, na kasabihang sasakyan nito patungo sa kanyang destinasyon,” kuwento ni Betbet.

Aniya, noong unang panahon na wala pang public cemetery ay naging tradisyon na mailibing ang isang mahal sa buhay sa mismong bakuran, hanggang naging kaugalian na ito sa kasalukuyan.

“Ako naman na lumaki sa Catholic school na maraming natutunan sa kasalukuyan ay parang hindi na nasusunod ang tradisyong ito, lalo na sa mga urban areas.”

Aniya sa panahon ngayon, hindi naman natin inaalis, ay dapat maging practical na, dahil sa napakalaking gastos kung susundin ang ganitong tradisyon, lalo na sa walang backyard at kapos sa buhay.

“Hindi naman masama kung hindi masunod ang tradisyong ito, lalo na sa mga kabataang lumaki na sa urban areas, dahil alam nila ang hirap ng buhay. Minsan nga, yong iba inuuwi sa kanilang lugar sa kahilingan ng kamag-anakan,para mailibing sa kanilang bakuran, pero gumagastos din doon sa ritwal.”

Ayon kay Betbet, ang kagandahan lang ay kasama sa bakuran ang isang yumaong mahal sa buhay, na parang balewala lang dahil pakiramdam mo ay kapiling mo siya sa loob ng bahay.

Aniya, mas mainam na i-preserve na lang yung kaya at i-preserve ang hindi kaya, kasi kung katay ka ng katay ng hayop ay talagang malaking gastos. May mga iba umano na iniiwasan na ang ganitong gawain, dahil nasa modernong kaisipan na.

“Bilang isangIbaloi-Kankana-ey, I will continue to do the practice, dahil nakasanayan ko na noong bata pa ako at naipasa na sa akin ng mga magulang, kay will pass it on to my children so that they will not forget the tribe’s practice.”

Zaldy Comanda