Kinaaliwan ng mga netizens ang Halloween pictorial ng actor-director na si David Chua.

Sa kaniyang Instagram posts, ipinakita niya na ang peg niya para sa Halloween ay si 'Joker', mula sa iconic DC Comics movies na pinagbidahan nina Heath Ledger at Joaquin Phoenix.

Dahil laking-Maynila si David, pinili niyang maging background at itampok ang Escolta at Jones Bridge na nagmistulang Gotham City (Home of Batman).

Ang kaniyang professional photographer ay si Doc Marlon Pecjo, ang stylist naman ay si Gee Jocson, at ang hair and make-up naman niya ay si Gabby Laxamana.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/David Chua

Karamihan sa mga nilabasang shows ni David ay sa Kapamilya Network. Siya rin ang direktor ng 'Rated Korina' ni Korina Sanchez.