Matapos ang maaanghang na komento at 'unsolicited advice' ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin kay Nadine Lustre, kaugnay ng pagre-react nito sa umano ay 'body shaming' sa kaniya ng mga netizens, tila may pinariringgan si Nadine sa kaniyang cryptic tweets nitong Oktubre 30.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/30/cristy-kay-nadine-kaugnay-ng-body-shaming-para-hindi-ka-naba-bash-magtapi-ka-di-ba/">https://balita.net.ph/2021/10/30/cristy-kay-nadine-kaugnay-ng-body-shaming-para-hindi-ka-naba-bash-magtapi-ka-di-ba/

Ang unang cryptic tweet ay "2021 na toxic pa rin" at ang pangalawa naman ay "Maritess talaga ihhh".

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa Twitter/Nadine Lustre

Screengrab mula sa Twitter/Nadine Lustre

Marami sa mga netizens ang humula na ang pinatatamaan ni Nadine ay si Cristy, batay sa kanilang mga komento.

"Pinagkakakitaan nila 'yan. Ganyan sila nabubuhay simula’t simula pa. Nakakaawa nga kasi galing sa kademonyohan nilang pag-iisip at salita pinapalamon sa mga pamilya nila. Tatanda na ganyan pa rin sila. Hinayaan rin kasi silang mahilig sa sobre or pakimkim."

"Wala na tayo magagawa sa mga toxic people. Ganun talaga sila. Si Lord na bahala sa kanila. They are such miserable people and lead a very sad life. They are pathetic to be honest."

"Tumanda na wala pa ring CHARACTER DEVELOPMENT, jusskoooo nakakagigil talaga ang Maritess na 'yun."

Ang huling nakasagutan ni Cristy ay ang Kapuso actress na si Kylie Padilla at ang ina nito, kaugnay sa isyu ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Samantala, wala pa namang tugon si Cristy o si Nadine tungkol sa isyung ito.