Kapag nakanti ang anak, tiyak na papalag ang sinumang magulang.

May himig-pagbabanta ang posts ng beterana at premyadong aktres na si Jacklyn Jose sa dating nobyo ng anak na si Andi Eigenmann na si Albie Casiño, matapos ang kontrobersyal na pahayag nito na ikinatutuwa umano niya ang 'pagtaba' ng aktres, at ang pagiging 'game' niya na mapag-usapan ang naganap noong 2011, kung saan siya ang itinurong ama ng anak nito noong 2011, na di-naglaon ay nalamang si Jake Ejercito pala.

"I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask because I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean?," wika ni Albie na kabilang sa opisyal na celebrity housemate sa season 10 ng Pinoy Big Brother ngayong 2011.

"I’m not going to hold my tongue so you can look good anymore. And my friends just saw her in Siargao and they said she’s super fat so that makes me super happy. I don’t know if that’s bad of me. But it brings me great joy to know she gained a lot of weight now. Yeah, I don’t care. That’s the truth. Di tayo nagpa-plastikan dito. That’s the way we do it man. Hindi tayo nakikipagplastikan dito. That’s the last thing we’re going to do."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa ngayon, matiwasay na ang pamumuhay ni Andi kasama ang partner na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak, kabilang na ang unang anak kay Jake Ejercito.

Pumalag naman dito ang ina ni Andi na si Jacklyn Jose, at pinagbantaan si Albie na huwag nang uriratin pa ang nakaraan, dahil handa rin siyang isiwalat kung anong klaseng boyfriend si Albie noon sa anak.

Screengrab mula sa IG/Jacklyn Jose

Nakiusap din si Jacklyn sa direktor ng PBB na si Direk Laurenti Dyogi na rendahan ang bibig ni Albie kung ayaw nitong 'maghalo ang balat sa tinalupan'.

"Please nakikiusap ako huwag ninyo galawin apo ko… 1 decade Lauren, please stop this walang pupuntahan 'to, kaibigan kita for so long… huwag mo hayaan mag-materialize ang PBB ng Albie lang… maaari rating pero magkapatid tayo…”

Hanggang sa ang pakiusap ay tila may himig-pagbabanta na.

“Lauren you can stop him or go on (rating), sige mapapahiya kayo kasi lalahatin ko na…”

Samantala, wala pa namang pahayag dito ang kampo ni Albie (na nasa loob na ng Bahay ni Kuya), ni Direk Lauren, o mismong si Andi.