Hayagang nagbigay ng 'unsolicited advice' at puna ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa pagsagot ni Nadine Lustre sa mga bashers na nanlalait sa kaniyang katawan o 'body shaming', dahil sa komento nila na umano'y 'nananaba' na ang aktres.

Sa recent episode ng kaniyang radio program na 'Cristy Fer Minute', pinayuhan niya si Nadine na ihinto na ang pagpapakita ng kaniyang katawan sa social media.

“Si Nadine Lustre, pumpasyow sa Siargao. Alam mo na kung ano yung ibig sabihin ng pasyow, lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece, di ba? “Laging ganun kahit bibili lang siya ng lechon ng… bibili lang siya ng mga sarsa, meron siyang pupuntahan. Ewan ko kung bakit ayaw niya magdamit. Wala naman nagbabawal sa kaniya. Tapos ngayon, 'di ba nagiging sentro siya ng body-shaming?”

“Sabi lang naman ng isang – hindi naman basher na matatawag 'yun – netizen eh. Sabi: ‘Nadine, napapansin na tumataba ka na naman, di ba? Ingat-ingat.’ Anong masama doon? Eh ikaw, hitad ka, ayaw mong magdamit, 'di ba? Pasyow ka nang pasyow kahit saan, kahit bibili ka lang ng sarsa ng lechon, naka-ano ka lang, kitang-kita buong katawan mo. Para hindi ka naba-bash, magtapi ka, 'di ba? Ang dami-dami namang paraan, 'di ba? Ang dami-dami namang binebentang mga pandong doon, di ba? Itapi mo, magtapi ka, itago mo yung katawan mo nang hindi ka naba-bash. Eh anong inaasahan mo pag ganyan ang ipinapakita mo – buong katawan mo?” matapang na pahayag ng kolumnista.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya, "At saka kung ayaw n'yong pasukin ng mga netizens at mga bashers at trolls ang inyong buhay, itinig n'yo, kayo ang magsara. Katulad ikaw, literal ka na ipinapakita mo ang katawan mo na halos nakahubo’t-hubad ka na. Ang tinatakpan na lang yung mahahalagang bahagi ng katawan mo. Kapag napapansin ka, nagagalit ka."

“Ikaw pa nga ang basher na lumalabas dito eh, 'di ba? Kasi 'di naman basher yun, nagpaalala lang naman sa iyo na parang, parang ano, parang nahahalatang tumataba ka.”

“Hindi mapapansin kung hindi pinapakita… Ikaw ang kumakaway para lapitan ka ng mga bashers. Kung nagdadamit ka, wala dapat issue na ganyan, di ba? Huwag mong ipakita ang katawan mo, wala kaming makikita. Magbalot ka.”