Napatay ang umano'y overall “emir” o kumander ng terrorist group na Daulah Islamiyah (DI)-Philippines matapos na makipagbarilan sa mga sundalo sa Talayan, Maguindanao nitong Biyernes ng madaling araw.
Dead on the spot sina Salahuddin Hassan, na may alyas na Orak, Abu Salman, at Abu Saif sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Kasama rin sa napatay ang asawang si Jehana Mindbida, alyas “Jen" na nagsisilbi umanong finance officer ng DI-Hassan Group.
Sa report ng militar, napatay ang dalawa nang makasagupaang mga tauhan ng6th Infantry Division (ID) ng Philippine Army sa Sitio Pinareng, Barangay Damablac, Talayan, dakong 2:25 ng madaling araw.
Nakatakas ang mga kasamahan ng mag-asawa at iniwan ang mag-asawa na agad na binawian din ng buhay.
Sa pahayag niArmed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Jose Faustino, Jr., ang grupo ni Hassan ang nasa likod ng pambobomba at mga insidente ng terror attack saMaguindanao, North Cotabato, at Sultan Kudarat.
Martin Sadongdong