Namangha ang mga netizens sa bonggang-bonggang balur ni Dabarkads Paolo Ballesteros, dahil bukod sa mala-mansyon ito, agaw-pansin din ang disenyo nitong mala-regalo sa pinakabungad.

Ayon sa kaniyang Instagram post, "Merry Christmas na sa Antipolo Dabarkads!"

Makikitang may Christmas lights na rin ang buong bahay, lalo na ang disenyong regalo na may gold ribbon pa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Larawan mula sa IG/Paolo Ballesteros

Noong Disyembre 2017 lumipat sa naturang modernong bahay sa Antipolo si Paolo. Ayon sa kaniya, ang bahay niya ay dinisenyo ni Architect Gerald Torrente at ito ay itinayo ng Electus Builders, Co. Nang mga sandaling iyon ay wala pang gold ribbon sa black cladding nito, na siyang nagbibigay ng mas sopistikadong facade sa bahay.