Hiniling niPresidential son Davao City Rep. Paolo Duterte at ACT-CIS Rep. Eric Yap sa Kamara na imbestigahan ang umano'y maanomalyang pagbili ng right-of-way at iba pang usapin kaugnay ng ginagawang 1,530 kilometrong Mindanao Railway Project ngDepartment of Transportation (DOTr).

Ang kahilingan nina Duterte at Yap ay nakapaloob sa House Resolution No. 2321 na iniharap sa Kamara nitong Oktubre 26.

Layunin ng hakbang ng dalawang kongresista na maisulong ang transparency at walang pinapanigan para sa mga naapektuhan ng proyektong nagdudugtong sa mga lalawigan ng Davao, Iligan City, Cagayan de Oro, General Santos City at Zamboanga.

Partikular na pinaiimbestigahan ang hindi magkakatugmang alok ng DOTr, contractor, sub-contractor at iba pang service provider, na bayad sa actual zonal value o fair market value sa mga lupaing nasa Barangay New Visayas at Datu Abdul Dadia, na parehong nasa Panabo City na apektado ng proyekto.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Nilinaw ng dalawang kongresista na ang nasabing hakbang ay "in aid of legislation" at layunin din nitong matiyak na mababayaran ng tama ang mga may-ari ng lupaing masasagasaan ng proyekto.

Matatandaan nitong Oktubre 20, 2021, pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang contract signing para sa Project Management Consultant Contract ng P82 billion Mindanao RailwayProject.

Ang Phase 1 ng proyekto ay ang 100 kilometrong linya na inaasahang magiging isa't kalahating oras na lamang ang biyahe simula Davao del Norte patungong Davao del Sur na dating tatlo't kalahating oras.

Magkakaroon din ito ng walong istasyon: Tagum, Carmen, Panabo, Mudiang, Davao Terminal, Toril, Sta. Cruz, at Digos.

Nakatakdang simulan ang konstruksyon ng proyekto sa second quarter ng 2022.

Nicole Therise Marcelo at Rommel Tabbad