CAMP MARCELO A. ADDURU, Tuguegarao City - Hawak na ng pulisya ang isang 51-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong panggagahasa sa dalawang anak matapos madakip sa Rizal, Cagayan nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng Police Regional Police Office (PRO-2), nakilala ang akusado na si Roderick Bologa, taga-Brgy. Parel, Botolan, Zambales at No. 1 top most wanted sa Zambales.

Si Bologa ay natiyempuhan ng mga pulis sa pinagtataguan nito sa Purok 3, Brgy. Sinicking, Rizal kaya ito naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasongRape (2 counts), Rape by Sexual Assault, at paglabag sa Republic Act 7610 oSpecial Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act(2 counts).

Sa rekord ng kaso, huling isinangkot si Bologa sa umano'y panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang 13-anyos na anak habangnatutulog sa kanilang bahay nitong nakaraang Pebrero 27.

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Ayon sa biktima, ginahasa rin umano ito ng ama sa nasabi ring lugar noong Oktubre ng nakaraang taon.

Nangyari rin ang insidente sa isa pang 18-anyos anak ng akusado sa naturang lugar noong nakaraang taon.

Sa pahayag ng anak, sinimulan siyang abusuhin ng ama noong pitong taong gulang pa lang ito.

Walang itinakdang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan nito.

Liezle Basa Iñigo