Inamin ni Herlene Budol o mas kilala bilang 'Hipon Girl' na wala pa siya sa showbiz ay crush na crush na niya si Kapuso hunk actor na si Jak Roberto, na jowa ngayon ni Barbie Forteza.

Ayon sa kaniyang latest Facebook post, "Alam n'yo ba na si Jak Roberto ang crush ko dati haha wala share ko lang."

Kaya sabi ni Hipon Girl kay Barbie, 'pahiram' daw muna ang kaniyang si Jak, na makakasama niya sa isang episode ng 'Dear Uge'.

"Kaya Ate Barbie peram muna haha. KAYA IKAW HUWAG KA MAWALAN NG PAG AASA, NANINIWALA NA 'KO SA PM IS THE KEY HAHA."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kalakip ng FB post na ito ang screengrab ng pag-PM ni Hipon Girl kay Jak noong 2017 dahil nagpapabati siya sa kaniyang 18th birthday, subalit dedma siya ni Jak.

"Hi Jak Roberto, super fan mo po ako promise. 18th birthday ko po sa August 23 kahit pabati lang po ako, kahit short video lang po, please super saya ko na po, sana pansinin n'yo po ako."

At dahil hindi siya pinansin ni Jak, nag-PM ulit siya sa ikalawang pagkakataon, subalit dedma pa rin siya nito. Ni hindi nga na-seen.

May be an image of text that says '1:00 Jak Roberto jakrobert Jak Roberto ajakroberto-Instagram jakroberto nstagram posts other on Instagram 39 others w View Profile Hi jak roberto super fan mo po ako promise. 18th Birthday ko po sa August 23 kahit bati lang po ako kahit short video lang po please super saya po sana po pansinin nyopo to. -herlenenicolebudol po Kuya jak notice me please. kahit super idol kita gusto po kitang mameet kaso imposible kahit sa short greet lang pa bday nyo napo sakin yun please magiging kumpleto na ang 18th bday wish ko sana po mapansin nyopo ako please please Message...'
Herlene Budol (Larawan mula sa FB)

May be an image of text that says '1:01 Jak Roberto AUG29,2:47AM Rep o Hi jak roberto super fan mo po ako promise. 18th Birthday sa August 23 kahit pa bati lang ၁၀ ako kahit... more HAHAHA SHET sorry ngayon ko lang nabasa HAHAHA since 2017 pa pala tong message mo! AWWW haha cute mo! Pwede bang belated nalang AUG29 Diba !!! Sabi ko sayo eh!! Ang sama mo 22 nako ngayon dimo padin ako nababati hahaha HAHAHAHA ngayon ko lang nabasa, kakabirthday mo lang pala last week ah SEP11,2:31AM Rea Reactedto story Message..'
Herlene Budol (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people, people sitting and indoor
Jak Roberto at Herlene Budol (Larawan mula sa FB)

At nitong Agosto 29, 2021, makalipas ang apat na taon ay aka lamang nabasa ni Jak ang mensahe ni Hipon Girl.

"HAHAHA Shet sorry ngayon ko lang nabasa 'to HAHAHA since 2017 pa pala itong message mo! AWWW haha cute mo! Puwede bang belated na lang?" ani Jak.

"Di ba!!! Sabi ko sa iyo eh!!! Ang sama mo 22 na ko ngayon 'di mo pa rin ako nababati hahaha," tugon naman ni Hipon Girl.

Kaya masayang-masaya si Hipon Girl dahil sino nga naman ba ang mag-aakalang ang dati niyang crush at hinahangaan, ngayon ay nakakatrabaho at nakakatambal na niya sa isang proyekto? Sana all!