Matapos lumabas ang isang video kung saan makikitang magkasama sina Marco Gumabao at Ivana Alawi sa isang videoke hub with common friends, binasag na ni Marco ang katahimikan kung ano nga ba ang relasyon nila ng sexy actress.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/12/ivana-alawi-at-marco-gumabao-mag-jowa-na/">https://balita.net.ph/2021/10/12/ivana-alawi-at-marco-gumabao-mag-jowa-na/

Nilinaw ni Marco sa media press conference para sa pelikulang 'My Husband My Lover' na matagal na silang magkaibigan ni Ivana. Ang anumang nakita ng publiko sa video ay akto lamang 'as a friend' dahil magbabarkada sila ng mga kasama nila sa naturang viral video.

"Basically, kami ni Ivana, we've been friends for more than a year. Magbabarkada po talaga kami and at the same time, we really are close. But we're just friends," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa ngayon daw ay single siya ngunit nakikipag-date naman. Apat na taon na umano siyang single at ayaw niya raw na magsayang ng oras, kaya sana, ang maging girlfriend niya ay magiging asawa o misis na niya.

Naghahanap pa umano siya ng babaeng makaka-click niya ang personalidad.

"Ayoko sabihing choosy ako pero parang very maingat ako sa gusto kong piliin sa next girlfriend ko. So hindi ako nagmamadali, I'm 27, I still have a lot of years to work and at the same time, work on myself."

Makakasama ni Marco sa pelikulang 'My Husband My Lover' sina Kylie Verzosa, Cindy MIranda, at Adrian Alandy na mapapanood sa Vivmax sa darating na Nobyembre 26.