Nalulungkot umano ang dating news anchor at journalist sa ABS-CBN na si Korina Sanchez-Roxas sa pag-urong ni Kabayang Noli De Castro sa pagtakbo bilang senador sa halalan 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/08/ex-vp-noli-de-castro-nag-file-ng-coc-sa-pagka-senador-nais-ibalik-ang-prangkisa-ng-abs-cbn/">https://balita.net.ph/2021/10/08/ex-vp-noli-de-castro-nag-file-ng-coc-sa-pagka-senador-nais-ibalik-ang-prangkisa-ng-abs-cbn/

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Oktubre 26, na-miss niya ang presensya ni Kabayan sa TV Patrol, at lalo na ngayong malapit na ang Halloween.

"I feel sad that my friend Kabayan Noli de Castro backed out of the Senate race. His voice is also missed in TV Patrol. I always remember Kabayan towards Halloween. One Halloween Special we collaborated on an episode. Memorable. Kabayan, saan ka man naroon, si Noli ka pa rin," ayon kay Korina. Ibinahagi niya ang mga larawan nila ni Kabayan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Korina Sanchez-Roxas at Noli De Castro (Larawan mula sa FB)

Markado ang 'Magandang Gabi Bayan' Halloween special ni Kabayan lalo na noong 90s. Matagal na nagkasama sina Korina at Kabayan, kasama si Ted Failon, sa TV Patrol.

Matatandaang nagpaalam si Kabayan sa TV Patrol nitong Oktubre para ipaalam sa publiko na tatakbo siya bilang senador.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/07/kabayang-noli-de-castro-nagpaalam-na-rin-sa-tv-patrol-abs-cbn-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag/">https://balita.net.ph/2021/10/07/kabayang-noli-de-castro-nagpaalam-na-rin-sa-tv-patrol-abs-cbn-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag/

Ilang araw lamang ang nakalipas, umurong siya sa kandidatura sa ilalim ng Aksyon Demokratiko ni presidential candidate at Manila City Mayor Isko 'Moreno' Domagoso; napagnilayan umano niyang mabuti na magpapatuloy ang kaniyang serbisyo-publiko sa pamamagitan ng pamamahayag.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/13/kabayan-di-na-tatakbo-karen-etsa-puwera-na/">https://balita.net.ph/2021/10/13/kabayan-di-na-tatakbo-karen-etsa-puwera-na/

Samantala, wala pang balita mula sa kaniyang kampo, o sa ABS-CBN News and Current Affairs Department kung ibabalik ba si Kabayan sa TV Patrol, ngayong nasa bagong yugto na ito. Naidagdag sa puwersa nila sina Karen Davila, Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan.

Samantala, si Korina naman ay abala sa kaniyang 'Rated Korina' na nasa ilalim ng Brightlight Productions, at umeere sa TV5, A2Z Channel 11, at Kapamilya Channel.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2020/09/18/korina-nagpaalam-na-sa-abs-cbn-kulang-na-kulang-ang-salitang-salamat/">https://balita.net.ph/2020/09/18/korina-nagpaalam-na-sa-abs-cbn-kulang-na-kulang-ang-salitang-salamat/