Hindi pa rin paaawat ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa pagbibigay ng komentaryo hinggil kay Kylie Padilla, hinggil sa isyu ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Matatandaang pinatutsadahan ni Kylie si Cristy nang isiwalat nito na mapatutunayan umano ng kaniyang 'source' na may katawagan talagang ibang lalaki ang aktres, na magpapatibay sa pahayag ni Aljur na ito ang unang nangaliwa at nagtaksil.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/22/kylie-bumuwelta-sa-paatang-ni-cristy-fermin-nagbabala-sa-matanda/">https://balita.net.ph/2021/10/22/kylie-bumuwelta-sa-paatang-ni-cristy-fermin-nagbabala-sa-matanda/

At syempre, hindi naman nagpatalo rito ang beteranang kolumnista.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/22/cristy-fermin-muling-binanatan-si-kylie-padilla-ineng-manalamin-ka/">https://balita.net.ph/2021/10/22/cristy-fermin-muling-binanatan-si-kylie-padilla-ineng-manalamin-ka/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/23/banat-ni-cristy-kay-kylie-hindi-pa-ipinapanganak-ang-artistang-magmamando-at-magdidikta-sa-akin/

Noong Linggo naman, Oktubre 24, binasag na ni Kylie ang kaniyang katahimikan sa panayam kay Jessica Soho, sa magazine show nitong 'Kapuso Mo Jessica Soho' o KMJS.

Para kay Cristy, hindi umano 'seryoso' ang naging panayam ni Kylie kay Jessica.

“Nagsalita lang siya— puro patagilid— ‘I want to grow up,’ mga gano’n-gano’n. Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho. Sabi nga ni Jessica, ‘Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot.’"

“Sabi siya nang sabi na, ‘Yeah, I’m happy, I’m good. Yeah, my kids are happy, they’re okay,’ pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya."

“Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nagsasalita, 'yon po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin.“Kitang-kita natin na napakalungkot ng mga mata ni Kylie, 'di ba? Kitang-kita mo."

Nasasayangan umano si Cristy sa naging panayam na iyon.

“Yung actual na interview, doon natin nakita — na sayang! — na dapat nasagot niya nang punto por punto yung mga hamon sa kaniya ni Aljur Abrenica. Yung mga inaasahan ng ating mga kababayan, wala."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/25/kylie-padilla-hindi-nangaliwa-i-never-had-any-extra-marital-relationships-with-other-men/">https://balita.net.ph/2021/10/25/kylie-padilla-hindi-nangaliwa-i-never-had-any-extra-marital-relationships-with-other-men/

Sa huli, naawa umano siya kay Jessica Soho.

“Naawa ako kay Jessica Soho… Ang galing-galing niyang host pero hindi niya napasuka si Kylie.”