Nakatakda nang simulan ng pamahalaan sa Nobyembre 3 ang nationwide coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccination para sa lahat ng menor de edad na mula 12 hanggang 17-anyos.

Nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mga bakunang gawa ng Pfizer at Moderna pa rin ang ituturok sa mga kabataan sa isasagawang nationwide rollout nito.

“Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children during the nationwide rollout. Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized,” aniya.

Matatandaang Oktubre 15 nang simulan ng pamahalaan ang unang phase nang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidities o yaong Pediatric A3 group sa National Capital Region (NCR).

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Sa kasalukuyan, aabot na sa 12.7 milyon ang kabataang may edad mula 12-17 sa bansa, ayon sarekord ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Iniulat rin ng DOH na hanggang noong Oktubre 26, nasa 18,666 minors with comorbidities na ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna sa initial phase ng pediatric vaccination sa NCR.

Mary Ann Santiago