Trending sa Twitter noong Oktubre 24, 2021 ang mga Instagram posts ni NorthPort Batang Pier guard Robert Bolick matapos nitong ibida ang litrato niya kasama ang umano'y bago nitong jowa na nagngangalang 'Cassandra Yu'.

Sa buradong IG post, makikita si Bolick na nakaakbay sa bago nitong jowa umano habang nasa bakasyon sila sa Cebu City. Agad na nagkomento rito ang girlfriend ni Bolick na si Abigail Maraño.

Image
Robert Bolick at Cassandra Yu (Screengrab mula sa IG)

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

"Solid naman ng vacation n'yo? Hindi ko alam may bago ka na,” sey ni Maraño.

Sa isa pang IG post ulit ni Bolick, makikitang nasa restaurant siya kasama ang naturang babae. Hindi na ito pinalampas ng volleyball star at kaibigan ni Abigail na si Ara Galang.

"ULOL GAGO KA," malutong na mura ni Ara sa comment section ng naturang IG post.

Image
Robert Bolick at Cassandra Yu (Screengrab mula sa IG)

Agad namang nagsara ng comment section si Bolick.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

"Bilis mag off ng comment section si lods Bolick. ULOL GAGO KA HAHAHAHHAAHHA, Ara Galang lang sakalam."

"You don’t deserve our Tyang, just like what ara galang said ULOL GAGO KA."

"Had the guts to cheat on Tyang then flex his kabet on socmed??? ULOL GAGO KA (2)"

"Ara lang sakalam!"