Nagpaalam naman umano ang sexy actor na si Marco Gumabao sa kaibigan at nakasama sa trabahong si Jake Cuenca sa mga 'lampungan scenes' nila ng girlfriend nitong si Kylie Verzosa, para sa pelikulang 'My Husband My Lover' produced by Viva Films.

Grabehan kasi umano ang mga love scenes nila ni Kylie; sa trailer pa lamang ay talagang mapapalunok na ang mga manonood at nakakabuhay ng dugo at laman sa katawan.

Kaya tiniyak umano ni Marco na nagpaalam naman siya kay Jake, na parang kapatid na rin ang turing niya, lalo't naging magkapatid ang roles nila sa teleseryeng 'Los Bastardos' sa ABS-CBN, kung saan nagkatrabaho na sina Marco at Kylie.

"Syempre, I had to ask him for his blessing syempre, kasi kahit sabihin nating trabaho 'to, as a gentleman and as a brother to him, tinext ko siya and sabi niya, 'Bro, you have my blessing, galingan n'yo," salaysay ni Marco sa ginanap na virtual media conference para sa kanilang pelikula, nitong Oktubre 25.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Malaki umano ang blessing na iyon ni Jake dahil nagawa naman niya nang maayos at todo ang kanilang maiinit na eksena.

Masaya at ipinagpapasalamat naman ni Kylie na maunawain at supportive ang kaniyang boyfriend at naiintindihan nito ang hinihinging mga eksena sa story plot ng kanilang proyekto.

Mapapanood ang kanilang pelikula sa Nobyembre 26 sa Vivamax, sa direksyon ni Mac C. Alejandre.