Sa mga nangyayaring kontrobersiya sa 'nawasak' na relasyong Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kumusta naman kaya ang nararamdaman ng mga magulang na nasasangkot ang kanilang mga anak sa isyu, kagaya na lamang ng action star na si Jeric Raval?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/09/jeric-raval-sa-panliligaw-ni-aljur-kay-aj-anong-sasabihin-ko-kay-robin/">https://balita.net.ph/2021/10/09/jeric-raval-sa-panliligaw-ni-aljur-kay-aj-anong-sasabihin-ko-kay-robin/

Ang anak niyang si AJ Raval kasi ang pinupukol ng batikos ng mga netizens dahil siya ang itinuturing third party umano kung bakit tuluyan nang naghiwalay ang mag-asawang Aljur at Kylie, bagay na itinanggi naman mismo ni Kylie. Matagal na umano nilang napag-usapan ni Aljur na malaya na silang makipag-date sa iba. Sa kasamaang-palad, agad na nalaman ng mga Maritess na may bago na ngang nililigawan itong si Aljur, at ito nga ay si AJ.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nang matanong si Jeric sa programang 'Sa Totoo Lang' ng Radyo Singko 92.3 nitong Lunes, Oktubre 25, 2021 kung ano ang reaksyon niya sa espesyal na pagtitinginan nina Aljur at AJ sa isa't isa, natawa umano ang action star at nagbitiw ng pahayag na "Pagdating kasi sa ganyan, yung mga buhay-pag-ibig ng mga anak natin, hindi na natin saklaw iyan eh."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Halimbawa kahit ayaw ko, wala naman akong magagawa. Matanda na yung anak ko," aniya.

Inamin ni Jeric na ang kaniyang dalawang kapatid ay may magkaibang palagay hinggil kay Aljur. Ayaw umano ng kaniyang ate kay Aljur habang ang kuya naman niya na isang nurse sa New York City ay nagsabing hayaan na lamang umano si AJ kung saan at kanino ito magiging masaya.

Masaya rin si Jeric na nilinaw nina Aljur at Kylie na hindi si AJ ang third party sa kanilang relasyon.

"Well, salamat naman at nagsalita naman siya. Hindi naman third party ang anak ko. Yun lang naman ang akin doon sa relasyon nila."

Igiit ni Jeric na ayaw lamang niyang magkaroon ng gusot kung sakali mang matuloy na at tuluyang maging malaya ang relasyon ng anak kay Aljur, ngunit aniya, hangad din niyang maayos ni Aljur ang anumang problemang kinasasangkutan niya sa kaniyang sariling pamilya.