Viral ngayon sa social media ang facial expression ni Kapamilya actress Heaven Peralejo habang nagpapakuha ng litrato kasama ang dalawang lalaking lokal na residente mula sa Siargao, Surigao Del Norte.

Ayon sa mga netizens, parang hindi umano komportable si Heaven at tila napipilitan lamang daw. Naibahagi ito ni Manu Pablo sa isang Facebook page na 'Siargao Secret'. Nagbabakasyon kasi ang aktres sa naturang lugar.

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa FB/Manu Pablo via Siargao Secret

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 3 people and people standing
Larawan mula sa FB/Manu Pablo via Siargao Secret

'HEAVEN PERALEJO PARANG NAKAKITA NG IMPYERNO", ayon sa caption.

"Si Heaven parang nababahala pagkatapos magpa-picture sa dalawang lalaki or actor sa isla. Kung makakapagsalita lang si Heaven, sasabihin niya 'Huwag Kuya or Angkol, bata pa po ako!'"

"Pero Miss Heaven, huwag kang mag-alala sa panlabas na anyo, kasi ang totoo mga mababait sila tapos may respeto sa mga dalaga, lalo na sa iyo."

Samantala, wala pa namang tugon si Heaven hinggil dito, na nakabalik na sa Maynila at kumain pa sa samgyupsalan.