Hindi napigilan ng batikang aktor at TV host na si Edu Manzano na mapabulalas ng 'Freedom!' o salitang Ingles para sa kalayaan, nang siya ay mamasyal sa New York City, USA.

Ibinahagi niya sa Instagram post ang kaniyang litrato habang nasa naturang lungsod at walang suot na face shield. Hindi kasi required sa Amerika ang pagsusuot nito, bagama't inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

"It’s 7am in NYC. Perfect weather and better yet… NO FACE SHIELD! Freedom," ani Edu.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Larawan mula sa IG/Edu Manzano

Dito sa Pilipinas, required pa rin ang pagsusuot ng face shield dahil mataas pa rin ang kaso ng COVID-19, bagama't ayon sa Department of Health (DOH) ay pababa na ang bilang.