Nasungkit ni Jeyrick Sigmaton o mas sumikat bilang 'Carrot Man' ang Best Actor award para sa Short Film category, na inilahok ng Pilipinas sa International Film Festival Manhattan (IFFM) Autumn 2021 sa New York, USA.
Ang naturang Igorot actor ay bumida sa short film na 'Dayas', sa direksyon ni Jianlin De Los Santos Floresca at iprinodus ng Be Unrivaled Production.
Sinasalamin ng pelikula ang kuwento at buhay ng mga small-scale gold miners o minero sa Itogon, Benguet. Kasama ni Carrot Man sa pelikula ang iba pang mga Igorot na kinuhang aktor at aktres.
Si Jeyrick ay ipinanganak noong 1994 sa Barlig, Lalawigang Bulubundukin, at nakilala sa social media noong 2016 dahil sa taglay na kaguwapuhan habang nagbubuhat ng mga carrots upang itinda sa pamilihan.



Naitampok na siya sa iba't ibang TV shows kagaya ng 'Kapuso Mo Jessica Soho' sa GMA Network.