Una pa lang nalaman ni Vanessa Bryant, ang naulila ni Kobe Bryant ang pagkamatay ng asawa matapos sumabog ang “RIP Kobe” sa kaniyang social media.

Matatandaang nasawi si Kobe at kanyang 13 taong-gulang na anak na si Gianna kasama ang pitong iba pa matapos ang isang helicopter crash noong Enero 2020.

Nahahabla ngayon ang Los Angeles County Sheriff’s Department matapos umano’y ikalat nito ang maselang mga larawan ng crash scene kabilang na ang labi ng mag-amang si Kobe at Gianna.

Bagaman unang naiulat ng isang family assistant ang aksidente, umasa pa raw si Vanessa na buhay ang mag-ama ngunit agad itong nabura matapos bumuhos ang ilang mensahe ng pakikiramay sa kanyang cellphone.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Nitong Marso ngayong taon unang isinapubliko ni Vanessa ang ang mga pangalan ng pulis sa Los Angeles County nagbahagi ng mga litrato ng crash site.

"Because no one should ever have to endure this type of pain and fear of their family members. The pictures getting released, this is not okay,” ani Vanessa matapos magbigay ng testimonya.