Sa wakas ay ikinasal na rin ang long-time Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana nitong Oktubre 23.

Sa Instagram post ni Tom Rodriguez, sinabi niya na sa wakas daw ay 'nabakuran' na niya ang isang napakagandang binibini.

"Wala lang…flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas! Pero syempre papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin!" ani Tom.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Larawan mula sa IG/Tom Rodriguez

Larawan mula sa IG/Tom Rodriguez

Larawan mula sa IG/Tom Rodriguez

Tom Rodriguez at Carla Abellana (Larawan mula sa IG/Pat Dy)

Tom Rodriguez at Carla Abellana (Larawan mula sa IG/Pat Dy)

Inihambing niya sa Avengers team ang kaniyang 'Glam team'. Si Francis Libiran ang gumawa ng kaniyang suit at si Monique Lhuillier naman para sa wedding gown ni Carla.

"Thank you for making me look and feel every bit as worthy for my beautiful bride/wife!"

"WOOOOOOOOOOOT KASAL NA KAMI!!!!!!"

Syempre, may IG post din si Carla. Aniya, si Tom ang kaniyang soulmate.

"Marrying my soulmate," caption niya.

Naganap ang reception ng kanilang kasal sa El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas.

Nagsimula ang relasyon nina Tom at Carla nang lumipat ang aktor sa GMA Network, at bumida sa teleseryeng 'My Husband's Lover' noong 2014 kung saan sila nagkakilala at nagkatrabaho ni Carla, kasama si Dennis Trillo.

Ayon kay Carla, hindi pa sila kailanman nag-away ni Tom, at wala silang matinding tampuhan o cool off.

Noong Oktubre 2020 naganap ang kanilang engagement ngunit isinapubliko lamang nila ito noong Marso 2021.

Congratulations, Mr. and Mrs. Mott!