Sa kumakalat ngayon na Facebook post ng isang account na nagngangalang Johnny Batumbakal, usap-usapan ang umano’y panunulot ng kaibigan ng girlfriend ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa Cebuana titleholder.

Unang nilahad ni Johnny ang pagbabahagi umano ni Bea sa Instagram ng larawang magkahawak kamay nitong madaling araw ng Oktubre 16. Hinala nito, kamay ni Bea at isang lalaki ang nasa larawan.

“Siyempre, magtataka [ang] madla at bakit, sino itong ka-holding hands ni Bea di ba? For sure hindi kamay ni Kate yan kasi momshie with the tatts and hand size? wititit,” ani Johnny.

Hindi na lingid ang pagkakaroon ng relasyon ni Bea sa DJ na si Kate Jagdon. Sa katunayan, ibinandera ni Bea ang pagiging kauna-unahang openly gay na titleholder ng Miss Universe Philippines.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon kay Johnny, kaibigan ni Kate at kapwa DJ na si John Odin ang nasa larawan. Pagbubunyag pa nito, si John ang isa sa mga pinakatiwalaan umano ni Kate nang matapos ang MUP bid ni Bea.

“So si John ay isa sa mga taong nag-welcome kay Bea sa Manila after Miss Universe PH pageant. Si John ay friend ni Kate. Si John at pinagkatiwalaan ni Kate. Si Jate ay inahas si Bea kay Kate,” mabibigat na paratang ng Facebook user.

“Wag tularan si John,” giit pa nito.

Hindi pa rito nagtapos ang mga paratang ni Johnny.

Isang araw matapos ang nasabing Instagram post ni Bea, makikitang hindi na raw naka-follow si Kate sa Instagram ng kaibigang si John.

Dagdag pa nito, sa pribadong Instagram account ni Bea, tanging si John lang umano ang naka-follow habang hindi na makikitang follower si Kate.

Nagbahagi rin ng screengrab sa ilang Twitter posts ng umano’y malapit na mga kaibigan nina Kate, Bea at John.

Dito mababasa ang mga dismayadong pahayag sa umano’y sulutang naganap.

Makikita naman ang pahayag ng tila pagkadismaya ng Facebook user sa umano’y kinasangkutan na isyu ni Bea.

“We supported you kasi sabi mo ikaw ang magiging boses ng LGBT community? Pero sis parang lalo lang kami naapi sa ginawa mo,” pahayag nito.

Wala pang pahayag si Bea sa nasabing isyu.