Binasag na ni Kylie Padilla ang kaniyang katahimikan hinggil sa isyu ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica, sa naging panayam kay Jessica Soho, na napanood sa award-winning magazine show nitong 'Kapuso Mo Jessica Soho' nitong Linggo, Oktubre 24, sa GMA Network.

Isa sa mga diretsahang tanong ni Jessica ay kung totoo ba ang alegasyon ni Aljur, na siya ang unang nagtaksil sa kanilang relasyon, batay na rin sa pasabog na Facebook post nito noong Oktubre 19, na ngayon ay burado na.

Sagot ni Kylie: "In my defense, while we were formally married, I never had any extra marital relationships with other men. That is my truth!"

“Okay sana kung ginawa ko eh. I would say ‘I’m sorry!’ Pero hindi talaga eh, and that’s what they kept throwing at me. Paano ako aamin sa isang bagay na hindi ko naman ginawa?"

Relasyon at Hiwalayan

Barbie Forteza, handa nang magpakasal?

“Siyempre when you say ‘cheated,’ ang unang iniisip ng mga tao, nanlalaki. So talagang in their minds, talagang ginawa ko yun. And may mga blind items that said that. Saan nanggagaling yung mga ito kasi kung totoo talaga, aamin ko. But, like, hindi talaga siya totoo kaya natatawa na lang ako."

Wala umano siyang panahong mangaliwa dahil nagpapasuso pa siya sa kanilang pangalawang anak na si Axl.

“Paano ako magkakaroon ng oras, I was breastfeeding my second. Paano ako aalis? Kung gusto niyo ng ebidensya tanungin niyo mga yaya ko."

“I’m angry kasi I’m raising my children. They don’t see that. Sobrang unfair pero I have to be strong in our society din. Kung hahayaan ko na maapektuhan ako sa mga sinasabi nila, hindi ko mapapalaki yung mga anak ko ng sane ako. And ayokong makita nila yun. Kaya nga, gaya ng sinabi ko kanina, humuhugot talaga ako sa kanila. Kailangan makita nila na ‘Kaya ng mom ko, kaya ko rin!'"