Ibinida ni Janella Salvador ang pagdiriwang ng 1st birthday ni Jude Trevor, anak nila ng boyfriend niyang si Markus Paterson. Ang tema ng pagdiriwang ay hango sa American computer-animated comedy film na 'The Boss Baby'.

Ayon sa Instagram post ni Janella nitong Oktubre 24, mahirap umano ang mag-organisa ng isang party sa kalagitnaan ng pandemya, gayundin ang pag-handle sa 'malikot na baby' na panay ang gala sa paligid at umiiyak kapag kinakantahan ng birthday song, ngunit 'worth it' naman ito.

"Planning a party in the middle of a pandemic is difficult, but so is keeping a one year old baby in a suit (who loves to move around and cries when people collectively sing him the happy birthday song) happy during picture taking."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Markus Paterson, Baby Jude Trevor, at Janella Salvador (Larawan mula sa IG)

"Nonetheless, it was a wonderful and intimate little party spent with family and close friends. Thank you for loving our boss baby and for being there to celebrate his first year of life."

Matatandaang naging kontrobersyal si Janella noong 2020 dahil nagtungo siya sa ibang bansa, at kumalat ang mga espekulasyong buntis siya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2020/10/01/chubby-cheeks-ni-janella-salvador-pinagpipiyestahan/

Nang halata na ang kaniyang tiyan ay hindi na naman sila nagkaila. Noong Oktubre 20, 2020 ay isinilang ni Janella si Baby Jude Trevor. Oktubre 25 nang i-reveal nila sa social media ang hitsura nito.