BACOLOD CITY - Patay ang isang babaeng menor de edad at kasamahang lalaki matapos mahulog sa kanal ang sinasakyang mini-bus sa San Carlos, Negros Occidental nitong Linggo.
Dead on the spot ang 12-anyos na babae at ang kasama nito na si John Jucher Segurado, 26, kapwa taga-Barangay Rizal ng nasabing bayan, dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.
Sugatan naman sina Judy-ann Montesino, 18; at Jonarie Sumiga, 39; kapwa taga-Brgy. Rizal.Sa ulat ng mga awtoridad, puno ng pasahero ang bus at patungo sana sa libing ng kanilang lola nang biglang mawalan umano ito ng preno sa Sitio Docog-docog, Brgy. Rizal.
Kaagad umanong idiniretsong driver na si Juditho Locsin ang sasakyan sa kaliwang bahagi ng kalsada upang hindi mahulog sa bangin.
Gayunman, nahulog ito sa kanal kung saan tumilapon ang menor de edad at si Segurado.
May teorya naman si San Carlos Police chief, Lt. Ruby Aurita na overloadedang bus dahil lagpas sa 38 seating capacity ang pasahero nito na naging sanhi ng aksidente.
Gayunman, sinabi ng kaanak ng dalawang namatay na hindi na nila kakasuhan si Locsin kaugnay ng aksidente.
Glazyl Masculino