Sinariwa ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada ang kanilang pregnancy journey sa pinakabagong Youtube upload nitong Linggo, Oktubre 24.

Kwento ni Alex sa kanyang vlog, matapos ang isang family trip kung saan buong araw siyang nakaramdam ng antok, agad na silang nag-pregnancy test.

“I was having major cramps and my period never came,” pagbabahagi ni Alex.

Mababakas ang labis na tuwa ng mag-asawa nang lumbas na “positive” ang PT.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Tatay ka na,” sabi ni Alex kay Mikee na makikitang lubos-lubos ang kasiyahan matapos ang resulta ng PT.

Sa sobrang excitement ng mag-asawa, agad na nilang ibinahagi ang good news sa buong pamilya sa kabila ng payo ng doktor na hintayin muna hanggang sa third trimester ang pagdadalang

Kabilang sa agad na sinabihan ni Alex tungkol sa kanyang pagbubuntis ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga na naluha sa saya matapos marinig ang balita.

Hindi rin mapigilang mapatalon sa tuwa ang Uncle Jojo sa bagong milestone ng mag-asawa.

Agad na ring nalaman ng parehong pamilya ni Alex at Mikee ang pagbubuntis nila.

Dahil maaga pa noon ang pagbubuntis ni Alex, kinailangan pa ang dalawa hanggang tatlong linggong paghihintay para malaman ang kalagayan ng pregnancy.

Dalawang linggo ang lumipas, bagaman positive pa rin ang PT ni Alex, bigo pa ring magkaroon ng development sa pregnancy nito.

Dito nalaman ng mag-asawa na habang may gestational sac nang na-develop, walang nakitang embryo sa ultrasound.

Emosyonal na ibinahagi ni Alex ang reaksyon nito matapos ang obgyne checkup.

“Ayoko na mag-bleed kasi it’s really failure,” maririnig na binabanggit ni Alex sa vlog habang pinaaalalahanan ni Mikee na parte lang ito ng proseso.

“Hinimas niya ‘yong legs ko kaya alam ko may something wrong… and I know that Mikee is waiting outside. Dun lang ako sobrang na-sa-sad kasi I know na hindi lang ako ‘yong may gusto: lalong-lalo na si Mikee,” naluluhang tugon ni Alex.

“We just prayed kahapon naman that the Lord will comfort Mikee more than me because I know he really wanted this,” dagdag niya.

Matapos ang tatlong linggo, nitong Okubre 12, kinailangan nang sumailalim sa raspa ni Alex matapos makumpirma na hindi nag-develop ang pregnancy.

“I realize my pregnancy is really over,” saad ni Alex anim na oras matapos ang surgery.

Sa kabila ng naging karanasan ng mag-asawa, positibo pa rin silang darating ang muling pagkakataong ibibigay ng Diyos ang plano nito sa kanila.

“Pinaka-painful for me…paglabas ko, naghihintay si Mikee. Naka-smile siya sa akin,” sabi ni Alex.

“Naiyak ako kasi as a wife feeling ko nag-fail ka sa husband mo. Kasi gustong-gusto na ni Mikee [magka-baby] pero syempre wala ka namang magagawa,” dagdag niya.

Matatag na nagpayo pa rin ang mag-asawa sa mga nakaranas ng parehong sitwasyon.

“Sa lahat ng mommies, walang may kasalanan. If it’s meant that the Lord will bless you with a new life it will happen,” tugon ni Alex.

“You just have to live it up all to the Lord.”

Tanging dasal at suporta sa isa’t isa ang sandalan ngayon ng mag-asawa.

“Sana makatulong ‘tong vlog na kahit masakit, one day maco-cover siya ng Panginoon ng joy na ipapalit niya,” positibong sabi ni Alex.

Sa susunod na magbuntis muli ang mag-asawa isasapribado muna nila ito.

Sa huli, nagpasalamat si Alex sa netizens at kay Mikee na pabalik ay kinilala ang katatagan niya bilang asawa.