Umaabot pa sa 4,405 ang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa nitong Lunes.

Sa case bulletin #590 ng DOH, umaabot na sa 2,761,307 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas hanggang 4:00 PM ng Oktubre 25, 2021.

Sa naturang kabuuang bilang, 57,763 na lamang ang aktibong kaso o 2.1% ng total cases.

Anang DOH, sa mga nagpapagaling pa sa karamdaman, 76.2% ang nakararanas ng mild cases, 9.72% na moderate, 6.5% na asymptomatic, 5.3% na severe at 2.3% na kritikal.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Nakapagtala rin lamang naman ang DOH ng 7,651 bagong gumaling sa karamdaman kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 2,661,602 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.4% ng total cases.

Mayroon lamang 149 na pasyente ang binawian ng buhay dahil sa kumplikasyong dulot ng COVID-19.

Sa ngayon ang Pilipinas ay mayroon nang kabuuang 41,942 COVID-19 deaths o 1.52% ng total cases.

Mary Ann Santiago